TULA EXAMPLE – Ating tunghayan ang mga maikling example o halimbawa ng tula Tagalog tungkol sa edukasyon, wika, kalikasan, kabataan, pangarap, kaibigan, kahirapan, pag-ibig, magulang, at pamilya atbp. sa Pilipinas.
Ang Tula o “poem” sa wikang Ingles ay isang anyo ng panitikan nag nagpapahayag ng ideya o kaisipan ng manunulat gamit ang matalinhagang salita. Ito ay binubuo ng mga saknong at taludtod. Layunin ng mga tulang ito na maipahayag ang damdamin ng indibidwal sa paraan ng masining na pagsulat.
10 Halimbawa Ng Maikling Tula Ng Mga Pilipino

1. Example ng Tula Tungkol Sa Pangarap
“Ang Pangarap Mong Tangan“
Pangarap mong tangan tangan,
Isa-puso’t huwag kalimutan;
Tulang ito’y maging kalakasan,
Diyos nawa’y ikaw’y gabayan.Ano nga ba ang halaga ng inaasam mong tala?
Kung natapakan mo naman ang nagturo, ang naggiya…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Pangarap Mong Tangan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Ang Pangarap Mong Tangan”ni Francis Morilao ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pangarap na magbibigay inspirasyon sa pagharap sa hamon buhay.
2. Example ng Tula Tungkol Sa Sarili Tagalog
“Tula Para sa Sarili“
Nasumpungan kita sa harap ng salamin.
Binabagtas ng iyong dalumat ang bawat bakat,
bawat lamat at pilat ng tatlong dekadang paghahanap
sa balon ng buhay na walanghanggan,
na nakatato sa iyong noo, sa iyong pisngi, sa iyong mukhang
tinatabingan ng iyong buhok na pinahaba upang matakpan
ang iyong mga kasalanan.Kay tagal nating hindi nagkita bagamat lagi tayong magkasama.
Hindi madalas ang pagsisiyasat natin ng haraya…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula Para sa Sarili” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Tula Para sa Sarili”ni Juan Ekis ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa sarili na magbibigay inspirasyon upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
3. Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Ina Tagalog
“Para sa Iyo, Inay“
21 years ago, ito ay aking kinompose
Ipinahayag ang damdamin sa inang ang pagmamahal ay lubos
Nag-uumapaw na damdamin at paghangang sa puso ay taos
Sa katangi-tanging babaeng sa ami’y bigay ng Diyos:
___________________Ang pagiging ina ay napakadakila
Karamihan ng babae’y ito ang inaadhika
Talagang maituturing na isang biyaya…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Para sa Iyo, Inay” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Para sa Iyo, Inay”ni Marilou H. Anila ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa ina na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga ina.
4. Example ng Tula Tungkol Sa Kaibigan Tagalog
“Tula Para sa Tropa (Graduation Poem)“
Ang High School sa akin ang pinakamasaya,
Dahil mga tunay na kaibigan, dito ko nakilala.
Sinamahan n’yo ako sa saya man o problema,
Hanggang sa huli nating pagsasama.Tinuruan nyo ako ng mga bagay na dati’y di ko kaya,
Kaya ngayon mas gumaling akong magDotA.
At lalong tinuruan n’yo ako mga tropa…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula Para sa Tropa (Graduation Poem)” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatangTula Para sa Tropa (Graduation Poem)ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.
5. Example ng Tula Tungkol Sa Magulang Tagalog
“Ang Ibon na Kinulong sa Haula“
Ako ay katulad sa ibong kinulong sa haula.
Kinulong ako dito ng aking sariling pamilya.
Pinanganak at lumaki, malungkot at magisa.
Tanging ako ng, nagtanda ng walang kasama.Ang aking haula ay maganda.
Iwan ng magulang, ito ay pamana.
Perpekto itong lahat sana…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Ibon na Kinulong sa Haula” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Ang Ibon na Kinulong sa Haula”ni Nathaniel Anthony T. Jubac ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa mga magulang.
6. Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Pandemya Tagalog
“PANDEMYA“
Ang mundo na dati’y ating malayang ginagalawan
ay tila naging isang bahaghari na walang kulay
Ang dating masaya at makulay na mundo
ay unti-unting nagbago dahil sa birus na itoSa bawat pagpatak ng pawis
dama mo ang bigat na pasanin
ang dating mga ngiting mababanaag sa mga mukha…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “PANDEMYA” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“PANDEMYA”ni Trisha Pereyna ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19).
7. Example ng Tula Tungkol Sa Guro Tagalog
“Super Hero ng Buhay ko!“
Masaya…
Karamay…
Sandigan…
Gurong Maasahan…Tama ikaw…
Ang aking ilaw…
Ilaw na patnubay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Super Hero ng Buhay Ko!” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Super Hero ng Buhay Ko!”ni Raymond Nachor ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro.
8. Example ng Tula Tungkol Sa Crush Tagalog
“Tula para kay Crush“
mahal kita :´(
minamahal kita
pero hindi mo nalalaman pinagmamasdan kita
nang hindi mo pansin
gusto kita
pero natatakot akong malaman mo hanggang tingin at pangarap lang kita(Video) PANDEMYA (COVID - 19) | ISANG TULAsa mga ngiti mo
buo na araw ko
sa tuwing nalalaman ko…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Tula Para Kay Crush” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Tula Para Kay Crush”ni kael EIDOSCOPE ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at paghanga sa kay crush.
9. Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Pamilya Tagalog
“Isang Tula Para sa Aking Pamilya“
Mula ng ako ay isilang
ako ay nagkaroon ng muwang
upang paglaki ko’y
makapagpasalamat sa aking magulang…Sa aking AMA na siyang dahilan
kung bakit ako ay may pangalan
salamat sa iyo…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Isang Tula Para Sa Aking Pamilya” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Isang Tula Para Sa Aking Pamilya”ni Marlyn Adame Autor ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya.
10. Example ng Tula Tungkol Sa Kalikasan Tagalog
“Paglalanggas“
Sugat sa puso ni Inang Daigdig
Na dulot nang labis na pagkaganid
Mawawala lamang ang naknak at sakit
Kung lalanggasin ng pagkalinga’t pag-ibig.Bawat pagmamalabis, bunga ay kakulangan;
Bawat pagkukulang, ariing kasalanan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Panglalanggas” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Paglalanggas”ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan.
11. Example ng Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan Tagalog
“Bayang Sinilangan“
Ako ay Pilipino
Buong pusong minamahal ang aking sariling bayan
Paggalang at pagrespeto ay aking ihahandog
Para sa bayang aking sinilanganTaglay nitong yaman ay hindi ko sasayangin
Pulu-pulong lupang lumulutang sa dagat…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Bayang Sinilangan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatangBayang Sinilanganay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan.
12. Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Pag-ibig Tagalog
“Pag-ibig“
Pag-ibig na parang pagsikat ng araw
Damdaming tila umaapaw
Ito’y simoy ng hangin sa bukang liwayway
Pag-ibig na sadyang walang kapantayIto’y haplos sa dalampasigan ng mga alon
Kasing ganda ng paghuni ng ibon…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pag-ibig” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Pag-ibig”ni Cal Ashiq ay isang halimbawa ng maikling hugot tula tungkol sa pag-ibig.
13. Example ng Tula Tungkol Sa Karapatang Pantao Tagalog
“Iyan Ang Dapat!“
I.
Lahat ng tao ay may karapatang umunlad at matuto,
mabigyan ng edukasyon at oportunidad na sapat.
Maipakita ang kakayahan at makapagtrabaho,
karapatang mamuhay ng payapa, ‘yan ang dapat!II.
Mayroong kakayahang ipahayag ang kanyang damdamin,
sa mga usaping panlipunan ay makapagsalita nang tapat…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Iyan Ang Dapat!” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatangIyan Ang Dapat!ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang sa karapatang pantao.
14. Example ng Tula Tungkol Sa Kahirapan Tagalog
“Sigaw Ng Mamamayan“
Bawat oras na sumasapit
Patuloy paring pinipilit
Araw-araw na pamamaliit
Ano ba ang dapat ipalit?Inay, itay
Kumusta ang ating bahay?
Hapag na puro lumbay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Sigaw Ng Mamamayan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tulang pinamagatang“Sigaw Ng Mamamayan”ni misswithglasses ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas.
15. Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Diyos Tagalog
“Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin“
I.
Ang Diyos ay pag-ibig na alay
Na sa mga tao ay binigay
Ang pag-ibig ay ‘di mawawala
Kahit ang tao’y mamatay pa.II.
Ang pagmamahal ng Diyos sa atin
‘Di masusukat ng hanggang tingin
‘Di rin sa salita at awitin…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tula na pinamagatang“Ang Pag-ibig ng Diyos sa Atin”ni Hannaheart ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at sa buhay.
16. Example ng Tula Tungkol Sa Edukasyon Tagalog
“Pamana“
I.
Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya
Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina
“Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela,
Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay matatanda na”.II.
Dahil sa kanilang pagsisikap at walang sawang pagpapatnubay
Ang aking aral ay pinagbuti at nagsumikap nang walang humpay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Pamana” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tula na pinamagatangPamanaay isang maikling tula tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa Pilipinas.
17. Example ng Tula Tungkol Sa Droga Tagalog
“Droga ay Iwasan Para sa Matatag na Kinabukasan”
Drogang sa atin ay nakapipinsala
Mga pasakit at hirap ang siyang dala
Walang hatid na rikit sa ating kapwa
Ano ngang buti kung susumpain kita.
Aking kapwa’y aking binababalaan
Sa kapahamakang droga ang may laan
Kung sundin, mainam pag-asa ng bayan
Kung di nama’y paalam aking kaibigan.
Ang Bawal na gamot ay nakamamatay
Kapag sinubukan ay totoong lumalatay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Droga ay iwasan para sa matatag na kinabukasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tula na pinamagatang“Droga ay iwasan para sa matatag na kinabukasan”ni pleasing grace ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa droga.
18. Halimbawa ng Tula Tungkol Sa Wika
“Ang Wikang Filipino“
Ang wikang Filipino ay katangi-tangi
Hindi mapagkakaila ni maitatanggi
Wikang nagbubuklod at nag-iisa
Sa ating lahi, kapuso’t, kapamilyaNawa’y pahalagahan, at bigya’ng kabuluhan
Pagka’t ang wikang ito ay nag-iisa lang
Walang makapapantay sa tanging karanasan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng tula na “Droga ay iwasan para sa matatag na kinabukasan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.
I-download
Ang tula na pinamagatang“Ang Wikang Filipino”ni Grasya ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa wikang Filipino.
Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons
- Talumpati Tungkol Sa Wika
- Panitikan Kahulugan at Halimbawa
- Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan
Konklusyon
Ang buhay ay sadyang makabuluhan. Ito ang biyaya ng Diyos na ating dapat pahalagahan. Kaya ang artikulo ng koleksyon ng mgaTula Example Tagalogay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral na dapat pahalagahan at mahalin natin ang ating buhay.
We are Proud Pinoy.